Second Gift




'The genealogy of Jesus Christ'


Gospel                                              Mt 1:1-17

The book of the genealogy of Jesus Christ,
the son of David, the son of Abraham.

Abraham became the father of Isaac,
Isaac the father of Jacob,
Jacob the father of Judah and his brothers. 
Judah became the father of Perez and Zerah,
whose mother was Tamar. 
Perez became the father of Hezron,
Hezron the father of Ram,
Ram the father of Amminadab. 
Amminadab became the father of Nahshon,
Nahshon the father of Salmon,
Salmon the father of Boaz,
whose mother was Rahab. 
Boaz became the father of Obed,
whose mother was Ruth. 
Obed became the father of Jesse,
Jesse the father of David the king.

David became the father of Solomon,
whose mother had been the wife of Uriah. 
Solomon became the father of Rehoboam,
Rehoboam the father of Abijah,
Abijah the father of Asaph. 
Asaph became the father of Jehoshaphat,
Jehoshaphat the father of Joram,
Joram the father of Uzziah. 
Uzziah became the father of Jotham,
Jotham the father of Ahaz,
Ahaz the father of Hezekiah. 
Hezekiah became the father of Manasseh,
Manasseh the father of Amos,
Amos the father of Josiah.
Josiah became the father of Jechoniah and his brothers
at the time of the Babylonian exile.

After the Babylonian exile,
Jechoniah became the father of Shealtiel,
Shealtiel the father of Zerubbabel,
Zerubbabel the father of Abiud. 
Abiud became the father of Eliakim,
Eliakim the father of Azor,
Azor the father of Zadok. 
Zadok became the father of Achim,
Achim the father of Eliud,
Eliud the father of Eleazar. 
Eleazar became the father of Matthan,
Matthan the father of Jacob,
Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. 
Of her was born Jesus who is called the Christ.

Thus the total number of generations
from Abraham to David
is fourteen generations;
from David to the Babylonian exile, fourteen generations;
from the Babylonian exile to the Christ,
fourteen generations.

Sa Likod ng mga Pangalan

by Father Bong Bayaras

Anong ginagawa natin sa listahan? Ano bang nililista natin? Pwede tayo maglista ng utang. Pwede rin namang maglista tayo ng mga kailangang gawin. Pwede rin maglista ng mga bagay na meron tayo, imbentaryo kumbaga. Nililista natin sino o kanino tayo may utang. Nililista natin ang mga kailangang tapusin. Nililista natin yung mga gamit na mayroon tayo para hindi natin malimutan ang mga bagay bagay o yung mga kinakailangang gawin.

Pero ano naman ang mayroon kapag naglilista tayo ng pangalan? Sa loob ng silid-aralan, nandyan ang listahan ng mga pangalan ng mga estudyante. O di kaya, kapag lumabas ang resulta ng mga exam, nandyan ang listahan ng mga pumasa. Sa loob ng ospital, nandyan din ang listahan ng mga pasyente na may sakit. Sa madaling sabi, naglilista tayo para hindi tayo makalimot. Naglilista ng utang, naglilista ng gagawin, naglilista ng pangalan.

Kaya marahil ito din yung gustong ipaalala sa atin ng mahabang listahan ng mga ninuno ni Jesus. Sa unang tingin, mga pangalan lang naman yung makikita natin. Yung iba kilalang kilala natin. Yung iba hindi rin naman natin kilala. Subalit sa likod ng mga listahan ng mga pangalan na ito ay ang paalala na hindi nakakalimot ang Diyos. Hindi kailangan ng Diyos ng listahan para maalala niya. Tayo ang may kailangan ng mga paalala. Tayo ang kailangang paalalahanan na sa likod ng mga kwento ng mga pangalang nabanggit ay ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo iiwan. Sa likod ng mga kwento ng mga listahan ng mga pangalan ay nandun ang pangako ng Diyos ng kaligtasan.

Kung susuriin natin ang bawat pangalan na nabanggit sa talaan ng mga ninuno ni Jesus, iba’t ibang kwento ang madidiskubre natin. May mga masasaya, may malulungkot, may nakakagulat, mayroon ding mga hindi kapani-paniwala. Patunay lamang na kahit ang lahing pinanggalingan ni Jesus ay magulo at hindi perpekto. Subalit sa kabila ng kanilang mga kahinaan, sa kabila ng hindi nila pagiging perpekto, pinili ng Diyos ang kanilang lahi. Pinili ng Diyos na magkatawang-tao. Pinili pa rin ng Diyos na makapiling tayo.

Kahit sa sarili nating mga pamilya at kamag-anak, wala namang makapagsasabi sa atin na lagi tayong masaya. Walang makapagsasabi na hindi nag-aaway away ang ating mga kapamilya. Walang makapagsasabi na lagi lang kasiyahan ang mayroon sa ating mga pamilya. Dahil sa katunayan, lahat tayo, bawat pamilya, sugatan din, may mga alitan, may mga hindi pagkakaunawaan at may mga tampuhan. Ngunit sa kabila niyon, sa tuwing sasapit ang kapaskuhan kaya nating isantabi ang mga tampuhan, kayang kalimutan ang mga hindi pagkakaunawaan dahil lamang sa isang simpleng dahilan, magpapasko kasi.

At ito rin ang dulot na katarungan ng Panginoon. Madalas, madali nating naiisip na ang katarungan ng Panginoon ay kung paano dapat ipinapataw ang nararapat na kaparusahan. Kapag ganun ang katarungan ng Panginoon, lahat tayo walang mapapakita, lahat tayo hindi makakaharap ng tapat sa Kanya. Subalit kung tutuusin, kapag hinayaan nating maghari ang katarungan ng Panginoon, ang unang unang mangyayari ay ang mapanumbalik ang mga nasira dahil sa ating mga kasalanan. Bubuoin ang mga nasira. Ipapanumbalik ang mga nawawala at hihilumin ang mga sugat.

Marami na sa atin ang sugatan. Marami na sa atin ang wasak na wasak. Dahil sa mga pagkakamali ng iba, dahil din sa mga pagkakamali natin. Ngunit kung ang dasal natin ay maghari nawa ang katarungan ng Diyos, handa ba tayong maging mga daan at kasangkapan niya ng kanyang katarungan?
Maghahari ang katarungan ng Panginoon sa Kanyang panahon at kalakip niyon ay ang pangako ng kapayapaan. Subalit hindi kinakailangang hintayin ang bukas para makamit iyon, dahil tayo mismo ang gagamitin niyang kasangkapan para sa kanyang katarungan at kapayapaan, ang tanong na lamang ay, handa ba tayo?


Panalangin

Makatarungan at mahabaging Panginoon,tulutan mo nawang kami’y maging laging handa. Handa na maging iyong mga tulay at kasangkapan para sa iyong katarungan at kapayapaan. Sa gitna ng mga gulo na aming dinadanas na amin din namang kagagawan, nawa handa kaming magpasakop sa iyong katarungan upang mabuo muli ang mga nasirang ugnayan, nasirang tiwala nasirang pagmamahal dulot ng aming pagiging makasarili. Nagtitiwala kami sa iyong awa at pagmamahal na tanging lunas naming sa mga sakit na aming nararanasan. Ikaw na naghahari, ngayon at magpakailanman, Amen.


Munting regalo para kay Jesus:

Larawan ng ating pamilya






Fr. Bong Bayaras,
pari ng Arkidiyosesis ng Maynila, kasalukuyang nag-aaral ng Liturhiya sa Roma, Italia.


No comments: